Sikat PhotoShow
3K PhotoShow
Monday, February 25, 2008
National Broadband Network Story
Paano ba nagkaroon ng National Broadband Network project at ano ito?
Nang ideklara ni GMA sa kanyang SONA ang kanyang mga prayoridad, isa dito ang Cyber Corridor na magpapalakas sa telekomunikasyon, teknolohiya at edukasyon.
Isa sa mga proyektong nakapaloob sa Cyber Corridor ay ang National Broadband Project na ang layunin ay pag-ugnay-ugnayin ang mga institusyon at opisina ng gobyerno sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng intranet. Layunin din ng proyekto na makabawas ng P2.5 billion mula sa P3.5 bilyong gastos ng gobyerno sa telekomunikasyon taun-taon.
Paano ipatutupad ang proyektong NBN? Saan kukuha ng perang panggastos?
Dalawa ang paraan na pwedeng pagpilian upang mapatupad ang proyekto. Una ay sa paraan ng pag-utang. Uutang ng pera ang Pilipinas sa bansang Tsina (China’s Eximbank). Ikalawa ay sa paraang build-operate-transfer. Sa paraang BOT, popondohan ng pribadong kumpanya ang proyekto. Walang gagastusin ang gobyerno. Ang kita sa panahon na tumatakbo ang proyekto ay mapupunta sa nagpondo. Matapos ang 20-30 taon, maaaring maging pag-aari na ito ng gobyerno.
Sinu-sino ang naging interesado sa proyekto at magkano ang presyuhan?
Dalawa ang naging bidder para sa proyektong NBN. Una ay ang ZTE o Zhong Xing Telecommunication Equipment Company Limited, ito ay kumpanya ng mga intsek na nagsu-supply ng mga kagamitan sa telekomunikasyon. Uutang ang Pilipinas sa Tsina ng ipambabayad sa serbisyo’t kagamitan ng ZTE. Ikalawa ay ang Amsterdam Holdings Inc. (AHI) na magbibigay ng serbisyo’t kagamitan sa pamamagitan ng build-operate-transfer.
Ang NBN project ay nagkakahalaga ng USD262 million o P13.1 billion sa ZTE. Samantalang USD242 million o P12.1 billion naman ang presyo sa AHI. Nang maaprubahan ni GMA ang NBN project at mapunta sa ZTE, umabot sa USD329 million o P16.5 billion ang presyo nito.
Si Benjamin Abalos na dating chairman ng Comelec ang nagpropose na ZTE ang magbibigay ng serbisyo at kagamitan. Sa dating USD262 million ay may kickback si Abalos na nagkakahalaga ng USD130 million, halos kalahati ng orihinal na presyo ng kagamitan at serbisyo.
Si Joe de Venecia na anak ni Speaker Jose de Venecia naman ang isa sa may-ari ng Amsterdam Holdings Inc. na isa ring bidder ng NBN project. Build-operate-transfer ang proposal ng AHI. Ito rin ang gusto ni GMA para maisakatuparan ang proyekto.
Paano napasok si Neri at Lozada? Anu-ano ang mga kinalaman nila?
Dahil gusto ni Abalos na manatili ang kickback nyang USD130 million, marami syang taong kinausap upang maibigay sa ZTE ang proyekto. Isa na rito si CHED Secretary Romulo Neri na dating NEDA secretary. Ang NEDA ay sangay ng gobyerno na nagtitiyak at nagpaplano sa paghusay ng ekonomiya. Ito rin ang ahensya ng gobyerno na nag-aapruba ng proyekto batay sa kakayanan ng gobyernong patakbuhin ito.
Si Jun Lozada ay ang Pangulo ng Philippine Forest Corporation, isang korporasyon ng gobyerno na itinayo noong 2006 para mag-research tungkol sa Jathropa (biodiesel). Si Lozada ay isang information technology expert. Kaibigan siya ni Neri at inatasan din na paliitin ang kickback ni Abalos sa katanggap-tanggap na level.
Umalma si Lozada sa proyekto dahil sa malaking kickback ni Abalos. Ipinamahala sa kanya ni Neri ang pagsasama ng AHI at ZTE sa NBN project. Maging ang pagkausap kay Abalos para mapaliit ang kickback nito ay ipinamahala sa kanya. Sa halip na USD130 million na komisyon, minungkahi nyang gawing USD65 million na lang dahil maaaring bumukol ang kanoong kalaking kickback. Hindi pumayag si Abalos. Gusto nyang manatili ang kanyang USD130 million na komisyon. Tinawagan ni Abalos si First Gentleman Mike Arroyo upang tiyakin ang pag-usad ng proyekto sa paraang utang. Binantaan pa nito ang First Gentleman na kung hindi matutuloy ang mga napag-usapan nila ni FG kung hindi itutuloy ang proyekto. Ano kaya ang pinag-usapan nila Abalos at FG? Nagkaroon ng gap sa pagitan ni Abalos at De Venecia dahil gustong solohin ni De Venecia ang proyekto sa paraang BOT.
Inimbitahan ni Abalos si De Vencia sa maraming pagpupulong at ipinakilalang ”partner” niya ito sa mga opisyal ng gobyerno (DOTC) at ZTE. Sa isang pulong na ipinatawag ni DOTC Secretary Leandro Mendoza sa Wack Wack Golf Club, Mandaluyong, kasama ang chief of staff ni Abalos na si Jimmy Paz, negosyanteng si Ruben Reyes, at Leo San Miguel. Sinabihan si Joe de Venecia ni Mike Arroyo na wag nang makiaalam sa NBN project.
Suhulan??? Magkano naman???
Dahil sa gustong solohin ni Abalos ang proyekto, nag-alok ito ng halagang USD10 million kay De Venecia para iurong ang kanyang interes sa proyekto. Maging si secretary Neri ay inalok ni Abalos ng P200 million kapalit ng pag-apruba ng nasabing proyekto. Si Mike Arroyo naman ay may USD70 million mula sa proyekto.
Sa pulong ni Abalos sa China kasama ang mga opisyal ng ZTE at si De Venecia, hinihingi ni Abalos ang kanyang USD130 million. Ayon kay De Venecia. Sinabi ni Abalos na hinihintay na ng Speaker at ng Pangulo ang kickback mula sa NBN project. Ngunit hindi ibinigay ng ZTE ang perang ipinangako dahil ibibigay lang nila ang pera kapag natapos na ang mga dokumento ng pautang para sa NBN project.
GMA nag-OK sa NBN-ZTE project?
Inaprubahan ni GMA ang NBN project sa ZTE noong Pebrero 2007. Pumirma ang Pilipinas noong Abril 21, 2007 ng limang (5) pang-ekonomiya at kalakalang kasunduan sa bansang Tsina. Isa na dito ang NBN project na ibinibigay sa bidder na ZTE.Pumunta sa Tsina si GMA kahit na kaatake pa lamang sa puso ng kanyang asawang si Mike Arroyo.
Ang paglabas ng katotohan sa likod ng maanumalyang NBN Project:
Isang kolumnista ng Philippine Star ang nagbunyag na isang comelec official ang nagtulak sa pag-apruba ng NBN project. Isinulat ni Jarius Bondoc ang kanyang mga nalalaman tungkol sa NBN project. Si Jarius ay kaibigan ni Neri, nababanggit ni Neri kay Jarius ang mga bagay-bagay sa loob ng NBN project maging ang presyuhan ng mga kagamitan at serbisyo ng proyekto. Dahil dito, nabuksan sa publiko ang maanumalyang NBN project.
Pinangalanan naman ni Rep. Carlos Padilla kung sinong Comelec official iyon. Sinabi nyang si Comelec Chairman Benjamin Abalos ang nagpupumilit na aprubahan ang NBN project sa ZTE company.
Itinanggi ni Abalos na may kinalaman sya sa NBN project. Naglabas din ng statement ang ZTE na nagsasabing malinis (transparrent) ang naging proseso ng NBN project sa ZTE.
Nagpasa ng resolusyon noong Setyembre 2007 si Senator Nene Pimentel sa Blue Ribbon Committee upang imbestigahan ang NBN project. Nagkaroon ng pag-iimbestiga ang senado kaugnay sa NBN project. Ipinatawag ang mga personalidad gaya nila Secretary Romulo Neri, Chairman Abalos at Joe de Venecia. Si Mike Arroyo ay hindi nakadalo dahil sa kalagayan ng kanyang kalusugan ayon sa kanyang abogado. Sa unang pagdinig, mariing itinanggi ni Abalos ang lahat ng paratang sa kanya nina De Venecia at Neri.
Setyembre 11 nang maghain ang Korte Supre ng TRO o temporary restraining order upang hindi ipatupad ang proyektong nagkakahalaga ng USD329 million.
Sa ikalawang pagdinig ng Senado, hindi na sumipot sina Secretary Neri, Joe De Venecia at maging si Lozada. Kung kaya’t naghain ng warrant of arrest ang senado upang makasama sa mga susunod pang pagdinig ang mga “involve” sa proyekto.
Ang pagtakas at pagdukot
Naghain ng subphoena ang Senado para ka Jun Lozada ukol sa magaganap na pagdinig noong Enero 30, 2008.
Upang makaiwas sa pagkanta si Lozada sa harapan ng mga senador, pinaalis ito ng bansa. Bukod sa inayos ni Deputy Executive Secretary Manuel Gaite ang pag-alis ni Lozada sa Pilipinas patungkong Hongkong, binigyan pa siya ng kalahating milyong piso (P500,000.00) upang ipanggastos nito sa kanyang pagtatago. Ipinalabas na dadalo ito ng isang kumperensya kaugnay sa kalikasan na gaganapin sa London.
Sa Hong Kong, tinawagan ito ni Neri upang sumulat kay Sen. Enrile na alisin ang pag-uutos na sya’y arestuhin. Sinabi rin ni Neri na wag ilagay sa alanganin si FG.
Sinabi ni Lito Atienza kay Lozada na umuwi ng bansa noong Feb. 5 kung saan hindi na ito matatagalan at aarestuhin sa immigration pa lamang. Mula sa paglapag ng eroplano nya sa airport ay tinangay na sya ng apat na kalalakihan na sinasabing mga tauhan ni Lito Atienza. Itinanggi ito noong una ni Atienza. Ngunit sinabi nya nang bandang huli na si Lozada ang humingi ng security kay Atienza sa pagbalik nito sa bansa. Ang pamilya ni Lozada kasama ang Black and White Movement ay naghintay din sa pagdating ni Jun. Ngunit wala silang Jun na nakita kung kaya’t ang mga ito ay natakot.
Dinala si Lozada mula airport patungong Villamor Air Base, Fort Bonifacio, Dasmariñas Cavite, Calamba at Los Baños sa Laguna. Sa pagpunta sa Los Baños, dumaan sila ng Libis at nakipagkita kay Paul Mascarinas na deputy director of the Police Security Protection Office at sa abogadong si Tony Bautista. May pinapirmahang affidavit ang abogadong si Bautista kay Lozada na kung saan sinasaad nito na walang nakausap na pulitiko o opisyal ng gobyerno si Lozada maliban sa mga IT (information technology) experts. Sinabi rin ni Bautista na pirmahan ang affidavit para sa ikapapanatag ng Malacanang. Samantalang si Mascarinas naman ay nag-utos na tawagan at utusan ang kapatid na babae ni Lozada na gumawa ng letter of request kaugnay sa paghingi ng secuirty ni Lozada. Dagdag pa dito, habang nasa kamay si Lozada ng dumukot sa kanya, binisita siya ni Mike Defensor. Binigyan sya ng 50,000.00 bilang tulong kaibigan. Inutusan ni Mike Defensor si Lozada na magpatawag ng presscon at sabihing wala itong alam sa isyu ng NBN project.
Ibinigay na lamang sa pangangalaga ng La Salle si Lozada nang may tumawag sa mga taong tumangay sa kanya na naghi-histerical na ang asawa nito sa media. Iniharap si Lozada sa Senado at isinalaysay ang mga nalalaman nito tungkol sa bumukol na anumalyang NBN project.
Mensahe:
Dahil sa matinding isyung kinahaharap ng administrasyon ni GMA kung saan sangkot ang asawa nitong si Mike Arroyo, marapat lamang na mawala na sa pwesto si Gloria Macapagal Arroyo. Marapat na mawala na ito sa poder sa alinmang paraan gaya ng: pagbibitiw, pagpapatalsik at snap election.
Kailangang ipagpatuloy ang pagdinig sa Senado upang maisiwalat ang katotohanan sa likod ng mga usapin sa korapsyon, pagdukot at pandaraya. Kailangang managot ang sinumang napatunayang nagkasala at sangkot sa isyung ito.
Tayong mga mamamayan ay may karapatang makialam sa isyung ito. Bahagi tayo ng pagpapalabas ng katotohanan sa likod ng mga isyung kinahaharap ng ating bansa. Itigil ang pagiging bulag, pipi at bingi sa likod ng mga kinahaharap nating suliranin. Makilahok sa mga darating pang pagkilos. Kumilos tayo para sa isang demokratikong pamamahala.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment