Malusog na sekswalidad : Pag-aaruga sa sarili
Ang makatotohanan na pagtingin sa ating sekslwalidad ay lampas pa sa pisikal. Kasama dito ang ating pagtingin at damdamin tungkol sa ating sarili at kapartner. Ang sekswalidad ay tungkol sa pagtingin at damdamin.
Ang pag-express ng ating sekswalidad ay base sa mga pagtingin at damdaming ito. Dahil dito, mahalagang kinikila natin kung ano ang ating paniniwala tungkol sa sarili at sa ibang tao bilang mga sekwal na nilalang. Ito ang tutulong sa atin mag-isip kung ang ating ginagawa o hindi ginagawa ay tumutulong sa pag-aalaga sa ating sarili.
Paggawa ng sarili nating hangganan
Ang media, simbahan at pamilya ay nagbibigay ng mga mensahe kung paano ba dapat tayo kumilos. Minsan ang mga mensaheng ito ay angkop sa atin. Minsan naman ay hindi. Kung ang tangi nating paniniwalaan tungkol sa kung ano ang sekswal ay ang ibang tao, tinatanggal natin ang pagkakataon na tayo mismo ang magbibigay ng ibig sabihin ng sarili nating sekswalidad. Kaugnay nito, tinatanggal din natin ang pag-aalaga sa ating sarili sa paraang alam natin ay mas angkop sa ating sarili.
Pagkilala sa ating damdamin
Ang pagkilala sa ating sarili at sa ating sariling damdamin ay importanteng bahagi ng komitment na alagaan natin ang ating sarili. Ang ating damdamin ay hindi masama o mabuti. Damdamin lang siya. Kapag kinilala natin ito, maari tayong magdesisyon kung paano natin ito tutugunan, kung aaksyunan ba natin ang nararamdaman natin o hindi. Ang pinaka-komportable at hindi problemadong paraan sa pagiging sekswal ay paglagay natin ng sarili nating hangganan base sa ating nararamdaman. Lahat ng babae ay may karapatan at responsibilidad pumayag o tumanggi sa pisikal o emosyonal na samahan.
Pagiging responsable
Kasama sa sekswalidad ang mga usaping pangkalusugan, kaya mahalaga ang pag-aalaga sa sarili at pagiging responsableng partner. Alamin lahat ng maaring matutunan tungkol sa family planning, sakit na nakakahawa dahil sa pakikipag-seks at HIV-AIDS. Proteksyunan ang sarili at kapartner kapag nagse-seks. Kilalanin ang inyong katawan at tuklasin kung ano ang inyong gusto at ayaw kapag ito ay nahahawakan. Kapag mas marami kayong nalalaman tungkol sa inyong katawan, mas mahusay ninyong maalagaan ang inyong pisikal at emosyunal na kalusugan.
Kapag kabisado natin ang ating sarili, maari nating sabihin sa ating partner kung ano ang gusto at ayaw natin.
Kausapin ang inyong partner tungkol sa iyong mga sekswal na gusto at pangangailangan. Linawin kung ano ang nakakatakot o nakakasakit sa iyo, at kung saan hindi komportable.
Maging responsableng partner, hindi ikaw ang magiging responsable para sa partner mo. Makinig upang marinig mo kung ano ba talaga ang sinasabi ng iyong partner. Tandaan na maari kang mamili kung ano ang gusto ninyong tanggapin o tanggihan. Maari ding makipagtawaran at makipagkompromiso sa hinihingi ng kapartner.
Hindi naman natin nababasa ang isip ng tao kaya kailangan nating sabihin kung ano ang ating kailangan at gusto. Kapag tayo ay nasa isang relasyon na may pagtitiwala sa isa’t-isa, okey lang maging bukas tungkol sa ating mga damdamin.
Pagsabi sa ating sariling “okey ka”
Maari at okey lang na maganda ang pakiramdam natin tungkol sa ating katawan at sarili. Maghanap ng mga paraan upang mapalitan ang mga hindi maganda mensahe tungkol sa ating sekswalidad. Makipag-usap sa mga kaibigang nakakaintindi o magbasa. Maging mabait sa sarili.
Ano ba ang isang intimate na relasyon?
Iba-iba ang ibig sabihin ng intimacy sa iba-ibang tao. Alam mo siguro kung ano ang kailangan mo upang maging malusog at masaya. May mga bagay siguro na maaring importante o hindi sa iyo sa pagkilala sa iyong relasyon :
- · May pakiramdam ba akong ligtas ako? Kung meron ba akong pakiramdam na hindi ako ligtas, mapag-uusapan ba namin ito ng aking partner?
- May lambingan ba sa pagitan naming dalawa?
- Maasahan ko ba ang aking partner na suportahan ako sa mga bagay na importante sa akin?
- Maingat ba kami at may proteksyon kapag nagtatalik?
- Handa ba akong maging bukas at makatotohanan sa pagsabi sa aking partner ng aking damdamin?
- Maari ba akong pumayag o tumanggi sa hiling ng aking partner?
- Komportable ba kami pag-usapan ang seks?
- Nararamdaman ba naming pareho na committed kaming dalawa sa aming relasyon?
Hango mula sa The Healing Way ni Kristin Kunzman
http://www.prhc.on.ca/womenshealth/healthinfo/hsex.asp
No comments:
Post a Comment